【移民工文學獎/首獎】塞車──在菲律賓生活的乘客們

【移民工文學獎/首獎】塞車──在菲律賓生活的乘客們
2019-09-23
5699
(編按)此為第四屆移民工文學獎得獎作品,作者為在台灣工作的東南亞移工,以母語書寫、再翻譯為中文,並經作家、學者、社運工作者、文字工作者、影像工作者評選通過。這些得獎作品中有的為真實經歷、有的為虛構文學,但都反映了東南亞移民工在台灣的真實情感與創作。

下午4點鐘,終於可以回家了。我站起來,收拾東西,經過識別門後走出辦公室。我到一樓才會上廁所,因為我們的樓層廁所肯定塞爆。上班11個小時後,我覺得非常累。早上5點開始,每週上班4次,還算可以吧,有額外一天休息日。

我需要抓緊時間,但我睡意正濃呢。我需要先上個廁所再離開,因為旅途有滿長一段路。上完廁所後,快步離開大樓,走一小段路就到等車的地方。

我在吉爾普亞特大道(Gil Puyat)和Ayala購物中心拐角處等車,距離以前等車的地方有一點距離,因為那裡已經禁止停車了。我等了非常長一段時間,因為人潮總是擠滿公車。Ayala是大多數乘客下車的地方。我要坐公車從Ayala前往奎松大道,沒辦法全程用站的。我沒搭地鐵,因為地鐵總是故障誤點,或者沒有空調、熱到要命,我沒辦法忍受。

大約等到4點半,公車才出現。上去後,我馬上坐在司機同排的位置上,我們之間距離約2個座位。我從不坐在他的身後,因為如果撞車了,我會先受到影響。我也不會坐後面,因為那裡有很多扒手,我真是一位乘坐公共汽車的安全專家,因為每天都要上下班,我已經記住了所有的安全守則。

我坐在靠窗的一側,路途還很遙遠。是的,我也可以靠著睡覺。當我覺得坐得很舒適的時候,我會環抱著包包開始打瞌睡,但必須緊緊抱住我的袋子,因為有很多乘客沒有看好自己的袋子而被扒手竊取財物。把袋子的開口面向自己,扒手就比較難下手。上班讓我厭倦於接外國人的電話,即使我再善良,有時候也會把我逼瘋,因為他們的理解力很弱,也很難解釋清楚給他們聽。但是畢竟有在賺錢,總比無所事事又沒錢可賺的好。

車停,車開,乘客上車,乘客下車,車停……我都記了起來,包括每一次公車開門的聲音,和乘客的上車聲。空氣清新劑和外面髒煙塵的味道,都深深吸入我的鼻孔裡。就算眼睛閉著,我還是感覺得到有人坐在我旁邊的座位,我不想看是誰,還是繼續睡我的覺,我真的累了。我覺得車子已經停下有30次了吧,閉眼睛的時間應該也有一小時了,乾脆睜開眼睛看一下我在哪裡。車子正在乙沙大道(Edsa)轉彎。可惡,耗費了一個小時,我的錶顯示已經是下午5點半,但還沒到一半的車程。

塞車又再次吃掉了我的時間。我感到有些自責,因為我沒選擇搭地鐵。但比起跟其他人在車廂裡擠來擠去,我還是寧願坐在這個位子上。我再次閉上了眼睛,試圖再睡一會兒。但我的思緒很亂,無法再睡覺。只能胡亂想像一下畫面和故事,還是來看看外面熱鬧的人吧,或許會對我的未來計畫有幫助。

轉彎前,我望向窗外。我覺得福布斯公園的高大圍牆是用來擋住一些大房子的視線。真是漂亮的房子,那些名流政客和拳擊手都住在這裡吧。我以後也會有這樣大的房子,神志不清的我低聲對自己說著。原來這就是作白日夢的感覺。

轉彎後,我強烈地感受到塞車的嚴重。我想知道為什麼這麼慢,但似乎沒辦法用眼睛推測出來。我瞄了一下窗外,公車旁邊有一輛好漂亮豪華的車喔,是捷豹,但是窗戶有隔熱紙,沒變法看到是誰在開車。我以後也會有這樣的車,我又低聲對自己開了愚蠢的玩笑。

我又把視線往遠處看,因為還有好多車在捷豹前面。我還看見很多從鄉下來的車輛──廂型車,吉普尼,轎車。他們就像交響樂團,一有機會就同時鳴按喇叭。我想,如果我開一家汽車公司我會賺錢嗎?「瘋狂」,我的大腦發出叫罵自己的聲音。我要如何擁有一家汽車公司呢?我的薪水只有13,000比索,我又不是出生在富有家庭,更不太可能與有錢人結婚。

這時大腦突然清醒了,因為我旁邊的人站了起來。到布恩迪亞(Buendia)了,時間已經超過5點半。你能想像一下,我在阿亞拉塞了一個多小時。如果有哪一天幸運的沒塞車,例如,去看曼尼.帕奎奧(Manny Pacquiao)的拳擊賽時,從阿亞拉大道到奎松只要20分鐘就到了。可是當我想到現實,我的頭就好痛。

緊接著,新的乘客上來,坐在我旁邊。年約50歲,拿著一個袋子,擠到我旁邊。我聞到煙味和汗臭味,看起來滿身灰塵,我猜想他是一名建築工人。他一坐下便很快睡著了,顯然非常疲憊,他把袋子放在膝上。而我,盯著他帶的東西,是冰淇淋耶。是3合1加1的口味,在電視上非常有名的廣告,因為有多種口味又很便宜。

我想著,老兄你的冰淇淋快要融化了,又放在你的膝上!但是他似乎真的非常累,一直打呼,所以我還是不打擾他。他應該坐火車,會比較快到達目的地。我調整冷氣出風口對準他的冰淇淋,至少不會那麼快融化掉。這位仁兄的做法似乎是錯誤的,在大馬尼拉市有很多家7-11分散各地,他其實可以就近去買冰淇淋。我的天啊!

我像個愚蠢的人,為這位先生想辦法,但我跟他又毫無瓜葛。我試圖阻止大腦想冰淇淋這件事。我還是來想自己的「如何變成有錢人」的計畫,待會回到住處,要搜尋什麼課程才能快點致富。或者,我要找個可以貸款的地方,設法自己做生意。或著跟我上班的公司借款,現在很流行做這種事。我也可以找直銷方案,現在做直銷可以讓你迅速擁有車子和力量。我的大腦節奏又變快了,卻沒注意到龜速行進的公車想要蛇行繞過一些車輛,也沒有意識到,他們這樣是犯法且擾亂秩序的。

我身旁帶著冰淇淋的男人突然驚醒,看著窗外。公車只開了一會兒。乙沙這一區之所以看起來有趣,是因為有很多條路,有的在上,有的在下,左邊也有,右邊也有,車子乍看之下不能塞滿所有的道路。但是我錯了,因為我視線所及,通通都是車輛。人們在兩旁走路的行進速度,都比我乘坐的公共汽車更快。

我的腦海中又浮現出該如何規劃在福布斯公園擁有一棟豪宅,如何買一輛捷豹。我看了一下錶,快要6點了,希望我會在7點鐘到家。我想早點回家,好早點想我的計畫,然後再睡覺,明天又會像奴隸般的工作。

坐在我旁邊的人好像真的醒了,當他看著窗外時,我們同時凝視著對方。「這是我兒子的,因為是他的生日。」指著自己膝上的冰淇淋,可能他發現我一直盯著他的冰淇淋。我心裡想,我並沒有計畫要吃掉你的冰淇淋,但我只是對他笑笑,因為我覺得他似乎人很好的樣子,希望他不要想歪。

「哎呀!老兄,你的冰淇淋快要融化了,你應該搭地鐵或是在你家附近的商店買冰淇淋的。」我回答,我沒辦法阻止自己說出來。但是說完後我就後悔了,我的口氣好像在責怪他的計畫不周到,真是尷尬。

「對啊!希望公車開快一點」,他害羞地回答。

我害羞得就像想要鑽到地底下一樣。我覺得,我實在不夠敏感,沒體會到他的感受。為了表達歉意,我試著跟他說話,反正我知道回到家之後要做什麼。

「你的兒子真幸運呢,老兄,你還準備了冰淇淋當他的生日禮物。」我笑著跟他說。我認為他是一個好父親,因為我的父親好像從沒有在我生日時送過冰淇淋給我。「希望它不要融化了,我就住在埃斯特雷亞(Estrella)而已。」他回答。原來他住那麼近,為什麼不用走路的?大約15到20分鐘路程而已。我又想起,先前的話已經有點不禮貌了,就不好意思再說什麼。

「哦,對啊,希望你可以快點到。」我只是這樣回答他。

「其實昨天才是他的生日,但是我的工資還沒發放,所以我跟辦公室旁的餐廳借冰淇淋,再從我的薪資扣除。」他說。我安靜了一下,不知道該怎麼回答。我先前還誤會他,原來他是因為沒有錢而去借冰淇淋。我尷尬地想要融化自己,剛剛還在嘲笑我旁邊的人,所以先入為主的思想會導致錯誤的判斷能力。

我又瞧著前方看,再看我的手錶,快要6點半了。這位老兄已經坐在這裡將近30分鐘,冰淇淋可能已經開始軟化了。

「沒關係兄弟,再過幾條巷子你就快到了。」我安慰對他說,希望能減少他的壓迫感。

「是啊。我兒子還非常期待呢,他7歲了」他說。並繼續敘述關於他小孩的事。他有5個小孩,這次過生日的是大兒子,每個孩子相差一歲。所以我先前的猜測都證明是錯誤的。原來他的工作是郵差,在馬卡蒂(Makati)這個地方。他才快40歲,很健談,可能是不想因為塞車而不耐煩吧。

叭,叭,叭叭叭叭。我們坐的公車又再次鳴按喇叭。像在賽馬一樣,想擠破頭向前移動,但有一輛小型車卡在路中間,以致司機罵出髒話。

「你他媽的XXX!這些車也太會擠破頭向前衝了吧。應該禁止小型車行駛在乙沙上!都是因為他們才會塞車。」司機非常生氣的怒吼著,因為他被其他車輛超前了。剪票員在回答司機,但是我已經忽略了他在說什麼,因為我一直盯著馬路。再過幾個街區,就是埃斯特雷亞。如果我是那位老兄的話,我會馬上下車走回家。但在這種情況下,他還是沒有打算下車的樣子,可能跟我對話到忘我了。快要7點鐘了,他不耐煩的看了一下冰淇淋。

「它融化了,乾脆吃了它。我的孩子們可能會用喝的方式來喝掉這個冰淇淋,因為我們家裡沒有冰箱。」他開玩笑的說。但我一點也笑不出來。我腦海中浮現了許多話。政府說,塞車並不導致人死亡,這在發展中的國家是非常正常的。因為正如他們所說,這是經濟不斷成長的跡象,越來越多的人有能力買車及需要車子代步。突然,我想要用這位老兄融化的冰淇淋來打政府的臉:「塞車是可以致人死命的。」塞車會扼殺兒子期待爸爸能帶回冰淇淋的喜悅。

爸爸因為期望看到兒子臉上的笑容而去借冰淇淋,卻因此幻滅。因為交通之故,家庭關係也逐漸滅亡,你本來可以與家人在一起的時光,卻因塞車佔用了你大部分的生命,卡在馬路中央,與喇叭和剎車聲伴隨在一起。這種死亡不僅僅是肉體的死亡,身體即使是活著的,但它會逐漸蠶食與親愛的親人間的關係。

「你的冰淇淋可以變成奶昔了,兄弟!放在杯子裡,旁邊放幾個巧克力棒或麵包,小孩子都喜歡!」我試著用輕鬆的語氣安慰他,才不至於露出憐憫他的樣子。如果我有錢,肯定會給他錢買新的冰淇淋,但是我明天才發薪水。

「你說的對耶,他們是喜歡這樣的吃法。」這位老兄一邊說,一邊看著下車的地方。

終於再過一個街口就到埃斯特雷亞了。這時他才想到要步行。還好,這只是我的想法。於是這位先生叫公車停下,公車停在馬路中間,打開了門。他站了起來,一瘸一拐的。我的良心又被重重的打擊,因為我老早就想要提醒他下車用走的。他跟我道別後,我看到了他沿路一拐一拐地走到埃斯特雷亞。

在途中,我一直想著這位帶著冰淇淋的爸爸。公車通過瓜達盧佩(Guadalupe)後已經7點多了,這讓我對塞車耿耿於懷。從布恩迪亞僅需5分鐘就能到埃斯特雷亞,卻整整走了大約一個小時,就因為車輛發生嚴重堵塞,大家都擠破頭想前進,卻只能滯留於瓜達盧佩。將近一個小時,冰淇淋早已融化——也融化了兒子對父親的愛,和整個家庭的和樂。

當公車到達博尼(Boni)後,車速有加快的趨勢,直直開著,一會兒又慢慢地迎向肖恩大道(Shaw Boulevard)、SM購物商場、奧迪加斯(Ortigas)、乙沙聖壇(Edsa Shrine)。每一個路口都有大馬路和號誌,但擁擠的車輛沒有一個想要禮讓妥協。雖然是紅燈,車輛卻還是持續前進,走在人行道的人們為了能過馬路也是橫衝直撞。公車直線行駛。我越發感到疲勞。我的身體因為工作和面對塞車而勞累,我的心已疲憊的像每一位陷入馬路中央動彈不得的路人。如果那些人想上廁所怎麼辦?如果身體不舒服怎麼辦?如果心臟病發怎麼辦?如果要出席重要的活動怎麼辦?如果有計畫想要變成有錢人該怎麼辦?

同樣的事情又發生在急促的行駛過程中,才一下,交通又大打結了。我只好閉起眼。我早就餓昏頭了,再也沒有胃口。我試圖讓我的腦子放空,但腦海中還是浮現那痛苦而無法解決的交通現狀。因為金錢和權力的蒙蔽,很容易違反交通規則,沒有一個駕駛想投降,人們沒有紀律,大家都在破壞。人們不守規則,我們交通如何會改善?這個問題真是頭大,要解決問題,除非每個人團結一致,停止自私地只為自己的利益著想。只要大家遵守交通法規,就算我上班遲到點沒有關係,不要老是著急的叫人靠邊站、遇到紅燈不停,只因我的親戚是菲律賓總統!

9點15分,我才到奎松大道。比我預定的7點到家,遲了2小時。我的致富計畫每一天都一樣。我有好多計畫想實現,就可以在福布斯公園買豪宅、買捷豹,但由於交通大塞車,我沒辦法開始著手進行。我覺得經濟並沒有增長的跡象,反而阻擾了像我這類奴隸的發展。

我決定去7-11,我累了,沒辦法做晚餐。回到家裡,我需要馬上睡覺,明天2點起床,5點鐘以前到家,我可以買20比索的晚餐,還有一支冰棒。

(作者為菲律賓籍移工)


本文為雙語呈現,以下為原文:

Trapik (buhay pasahero sa bansang Pilipinas)

Knezzar Lactaoen / Pilipino / dayuhang manggagawa

Alas-kuwatro na ng hapon, sa wakas makakauwi na ako. Tumayo ako, hinanda na ang mga gamit ko, naglakad papunta sa biometrics ng opisina at nag-out na. Sa ground floor na ako mag-CCR, sabi ko sa sarili ko, sigurado kasing punuan nanaman ang CR sa floor namin. Matapos ang aking labing-isang oras na shift, pakiramdam ko pagod na pagod na ako. Nagsimula ako ng alas-singko ng umaga, apat na beses sa isang linggo ang pasok. Mas okay na ito, may dagdag na isang araw ang rest day ko.

Kailangan kong magmadali pero tinatawag pa ako ng kalikasan. Iihi muna ako, kailangan eh, medyo malayo-layo pa ang byahe ko. Pagkatapos kong mag-CR, dali-dali na akong lumabas ng building namin at naglakad-lakad ng kaunti papunta sa sakaya ng bus.

Nag-antay ako malapit sa kanto ng Gil Puyat at Ayala, medyo lumayo ako ng kaunti sa kanto, bawal na kasi magsakay dun. Medyo natatagalan na ako sa paghihintay, punuan na agad agad. Kasi, sa Ayala pa ang baba ng karamihang pasahero eh papasok pa lang sa Ayala ang bus. Hanggang Quezon Avenue ang byahe ko, di ko kakayaning nakatayo sa buong byahe. Hindi rin ako sumakay sa train ngayon kasi lagi na lang sira ang MRT, o kaya naman walang aircon eh nakamamatay ang init, hindi ako makakatagal.

Mag-aalas kuwatro y medya na nang may dumating na bus, pagsakay ko, upo agad ako sa hilera ng driver, mga dalawang upuan lang pagitan namin. Hindi talaga ako umuupo sa mismong likod niya kasi pag bumangga, ako unang madadamay. Hindi rin ako umuupo sa sobrang likod, mas maraming holdaper dun. Pakiramdam ko eksperto na ako sa paraan kung paano maging ligtas kapag sumasakay sa bus, ikaw ba naman ang halos araw-araw na bumabyahe malamang naisaulo mo na ang lahat ng ligtas tips.

Umupo ako sa bandang malapit sa bintana, malayo pa naman ang bababaan ko. Yes, makakatulog pa ako. Nang kumportable na ako sa pagkakaupo, niyakap ko na ang bag ko at nagsimulang umidlip. Kailangan talaga yapos na yapos ang paghawak sa bag, madami nang pasahero ang nadudukutan dahil sa kulang ang kanilang paghawak sa bag nila. Dapat, nasa bandang katawan mo ang bukasan para mas mahirap sa mandurukot ang dumukot. Pagod na pagod ako kakatanggap ng tawag ng mga dayuhan, nasisiraan ako minsan ng bait dahil ang hirap nila umintindi, ang hirap din naman magpaliwanag. Kunsabagay, mas masarap namang kumikita kahit madalas naiirita kesa naman nakahilata lang pero wala ka namang nahihita.

Hinto. Bukas pinto. Pasok pasahero. Baba pasahero. Hinto. Tanda ko lahat yan, dinig na dinig ko bawat ingit ng pinto, bawat pasok ng pasahero, bawat sampal ng car freshener at usok sa ilong ko, kahit nakapikit ako. Ramdam kong siniksik na ang upuan ko, may tumabi na sa akin, di ko na tiningnan kung ano o sino, basta ako iidlip na lang, pagod na talaga ako. Nakatatlumpong tigil na ata ang bus nang pakiramdam ko naka-isang oras na akong nakapikit, dumilat ako para silipin kung nasaan na ako. Paliko pa lang sa Edsa. Lintek. Isang oras na ang kinain, 5:30PM na sa relo ko, hindi pa nangangalahati ang byahe ko.

Kinakain nanaman ng trapik ang oras ko. Nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi dahil di ako sumakay ng tren pero mas masarap ang nakaupo sa upuan at di nakikipag-tulakan at siksikan. Pumikit ulit ako at pinilit kong umidlip na lang ulit. Makulit ang isip ko, ayaw na akong patulugin. Kung ano-ano na lang ang mga larawan at kwentong pinipilit niyang ipinta. Naisip ko, magmasid na lang kaya ako sa mga nadadaanan, baka makagawa pa ako ng plano ko para sa aking kinabukasan.

Sinipat ko ang bandang harapan bago tuluyang lumiko ang bus. Sa tingin ko ang lalaking bahay ang natatakpan ng nagsisitaasang bakod sa Forbes Park. Ang gagara talaga, parang pakiramdam ko puro artista, pulitiko, at boksingero lang ang nakatira dito. Magkakaron din ako ng ganyang bahay, nahihibang na bulong ko sa sarili ko. Ayos din pala minsan ang mangarap nang gising.

Lumiko na ang bus, at damang-dama kong usad pagong ang sinasakyan ko. Sinubukan kong tingnan kung bakit ang bagal pero mukhang di ata kayang sukatin ng paningin ko kung ano ang naging sanhi ng trapik. Sumilip ulit ako sa bintana, ang gara ng kotseng katabi ko, Jaguar, kaso tinted di ko masilip kung sinong personalidad ang nagmamaneho. Magkakaron din ako ng ganyang kotse, bulong ko ulit sa sarili ko at napapangiti sa kalokohang naiisip ko.

Inilayo ko ulit ang paningin ko sa kotseng magara kasi andami pang ibang sasakyan sa harapan ko. May nakita pa akong mga provincial buses, fx, jeepney, kotse, basta ang dami. Para silang orkestrang sabay sabay magbusina sa bawat pagkakataon na magkaroon nang gadangkal na puwang sa harapan nila. Naisip ko, kapag magpatayo ba ako ng kumpanya ng sasakyan yayaman ba ako? Ulol. Yan ang mura ng utak ko sa akin. Pano ako magkakaroon ng kumpanya ng kotse eh labintatlong libong piso lang ang sweldo ko, hindi naman ako galing sa buena pamilya, at mas malabong makapangasawa ako ng mayaman.

Saglit na nawala ang bangayan sa utak ko nang tumayo ang katabi ko. Buendia na pala, lagpas alas singko y medya na. Akalain mo yun, lagpas isang oras ako sa Ayala pa lang. Kung sa isang araw na pinagpala na walang trapik kalsada, halimbawa, may laban si Manny Pacquiao, bente minutos lang matatapos na ang byahe ko mula Ayala papuntang Quezon Avenue. Sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ko itong realidad na ito.

Maya-maya, may panibagong pasaherong sumakay, umupo sa tabi ko. Nasa idad singkuwenta na siguro ito, may bitbit na plastic. Sumiksik siya sa tabi ko, amoy sigarilyo at pawis sya, mukhang maalikabok, pakiwari ko construction worker siya.

Pag-upo ng mama nakatulog ata agad, halatang pagod na pagod, kinalong nya ang dala-dala nyang plastic. Ako naman, inusisa ko ang dala nya – ice cream pala ito. Iyong 3-in-1 plus 1 na sikat na sikat sa TV kasi madaming flavors tapos mura lang. Naisip ko – kuya matutunaw ang ice cream eh ang init ngayon tas kinalong mo pa! Kaso, parang pagod talaga ang mama kasi nahilik-hilik pa na kaya di ko na lang inabala pa. Dapat nag-tren na lang sya para mabilis syang makakababa.

Inayos ko ng konti yung aircon, tinutok ko sa ice cream nya para naman kahit papa-ano mabawasan ang bilis ng pagtunaw nito. Parang mali ang diskarte ni Kuya. Madami namang 7-11 na nagkalat sa buong Manila baka may malapit sa kanila dapat yun na lang binili nya. Hay naku.

Para akong tanga na nag-iisip ng paraan para matulungan si Kuya, pero di ko naman siya kaano-ano. Pinilit kong patigilin ang takbo ng utak ko sa ice cream at inisip na lang yung plano kong pagpapayaman. Ang gagawin ko mamaya pagdating sa inuuwian ko, maghahanap ako ng kursong mabilis makapagpayaman. O kaya naman, maghahanap ako ng pwedeng utangan ng puhunan para magtatayo ako ng negosyo, o magpapautang ako sa opisina. Uso na yun ngayon. Pwede ring hanap ako ng networking scheme, madami ang nagkakakotse at power dahil sa networking.

Mabilis nanaman ang takbo ng utak ko, di ko nanaman napapansin ang usad pagong na bus na sanhi ng tali-taliwas na hinto-liko ng mga sasakyang di alam na bawal pala ang ginagawa nila at nakakaperwisyo.

Bigla naalimpungatan si Kuyang may dalang ice cream at sumilip sa bintana. Nasa bandang Kalayaan pa lang ang bus. Nakakatawang tingnan ang parteng ito ng EDSA kasi parang andaming kalsada, may taas, may ilalim, may kanan, may kaliwa. Pakiramdam ko hindi ito mapupuno ng mga sasakyan pero maling mali ako kasi lahat ng kayang abutin ng mata ko, sasakyan ang nakikita. Nakikita ko ang mga tao sa may gilid na mas mabilis pa ang usad kesa sa bus na sinasakyan ko.

Bumalik ulit ang isip ko sa pagpa-plano kung paano ako magkakaroon ng bahay sa Forbes Park at magkakaroon ng Jaguar. Napatingin ako sa relo ko, mag-aaalas-sais na, sana mga alas-siyete nasa bahay na ako. Gusto kong maagang makauwi para masimulan ang mga plano ko bago matutulog ulit at magpapaka-alipin nanaman bukas.

Ang Kuyang nasa tabi ko, parang gising na talaga, nagkasalubong kami ng tingin noong sinilip ulit niya kung nasaan na ang bus. “Sa anak ko ‘to, birthday kasi niya,” sabay turo sa hawak niyang ice cream kasi napansin ata niyang kanina pa ako tingin nang tingin sa ice cream niya. Sa isip ko, kuya wala po akong planong kainin yang ice cream mo, pero nginitian ko na lang siya kasi mukha naman siyang mabait, siguro naman di ganun ang iniisip niya.

“Naku Kuya baka matunaw yan, dapat nag-MRT ka na lang or bumili na lang sa malapit sa inyong tindahan,” sagot ko dahil di ko na mapigilang sabihin ito sa kanya. Huli na nang maisip kong mali ang nasabi ko, parang sinisisi ko pa siya at palpak siya sa diskarte nya. Nakakahiya.

“Oo nga eh. Sana bilisan ng bus,” nahihiyang sagot ni Kuya.

Para akong nilalamon ng kahihiyan dahil sa nasabi ko kay Kuya. Pakiramdam ko, hindi ako naging sensitibo sa kalagayan niya. Para makabawi man lang, naisip kong kausapin na lang siya, tutal nakabuo na ako ng planong gawin mamayang pagdating ko sa bahay.

“Ang swerte naman ng anak mo Kuya, may pa-birthday ka pa sa kanya,” sagot ko sa kanya na may kasamang ngiti. Naiisip ko kasi mabuting ama si Kuya, parang wala akong maaalang ice cream na natanggap sa mga kaarawan ko mula sa Tatay ko.

“Sana di matunaw ito, sa Estrella lang naman ako” sagot ni Kuya sa sinabi ko. Malapit lang pala si Kuya, bakit di pa niya nilakad? Siguro mga 15-20 minutes lang na lakad, naisip ko ulit. Pero dahil napahiya na ako kanina, hindi ko na lang sinabi ito sa kanya.

“Oo nga po, sana makarating ka agad,” sagot ko na lang sa kanya.

“Kahapon pa kasi talaga ang birthday niya, kaso wala pa akong sweldo kaya umutang muna ako ng ice cream dun sa canteen ng opisina, ibabawas na lang sa pagsahod ko,” sagot ulit ni Kuya. Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano ito sasagutin, kasi kanina kung ano-ano na ang iniisip ko pero wala palang pambili si Kuya kaya pala dala-dala niya ito, tapos ipinangutang lang. Parang gusto kong matunaw na parang ice cream dahil sa kahihiyan ulit sa pag-iisip ng pangungutya sa mamang katabi ko kani-kanina lang, sabi ko na nga bang mali ang manghusga agad.

Sumilip na lang ulit ako sa may bandang harapan, sabay tingin sa relo ko. Mag-aalasais y medya na. Halos tatlumpong minuto nang nakaupo sa Kuya, malamang medyo lumambot na ang ice cream niya.

“Di bale kuya parang malapit na, ilang kanto na lang yan bababa ka na,” sabi ko na lang ulit, nagbabakasakaling makabawas sa stress na nararamdaman ni Kuya.

“Oo nga. Excited pa man din ang anak ko, 7 na siya,” sabi ulit ni Kuya. At tuloy-tuloy na ang kwento ni Kuya tungkol sa anak niya. 5 ang anak niya, panganay ang may kaarawan, sunod-sunod ang anak niya. Nagtatanong-tanong ako, kaya napatunayan kong mali lahat ng hinuha ko kanina ukol sa mamang ito. Messenger pala si Kuya sa isang kumpanya sa Makati. Magku-kuwarenta lang din si Kuya. Makuwento siya, para lang din siguro hindi na rin siya mainip.

Beep. Beep. Beeeeeeeeep. Busina nanaman ang bus na sinasakyan namin. Nakikipag-karerahan kasi ulit sa kakarampot na espasyong pwedeng siksikan para maka-usad, pero may isa pang maliit na kotseng nakasingit, napamura ang drayber ng bus.

“Put*! Lintek kung makasingit! Dapat lahat ng kotse bawal sa EDSA! Sila ang nagpapatrapik!” bulalas ng mamang drayber sa inis at nasingitan siya. Sumagot ang konduktor pero di ko na masyadong inintindi ang sinabi niya kasi nakatingin ako sa kalsada. Ilang kanto na lang, Estrella na. Kung ako kay Kuya, bababa na ako at maglalakad para maka-uwi kaagad. Kaso, mukhang wala pang planong bumaba si Kuya, nawili atang tumabi sa akin.

Malapit nang mag-alas-siete. Si Kuya, di na nakatiis, sinilip na ang ice cream na dala-dala niya.

“Tunaw na ito, kainin na kaya ito. Iinumin na lang ito ng mga anak ko pagdating sa bahay, wala kaming ref,” sabi ni Kuyang pabiro sa akin.

Hindi ako makatawa sa biro ni Kuya. Andaming sumagi sa isip ko sa nabanggit ni Kuya. Sabi ng pamahalaan, wala naman daw namamatay sa trapik, normal lang daw ito sa umuunlad na bansa. Sabi nga nila, senyales daw ito ng pag-unlad ng ekonomiya dahil sa dumadami ang nakakabili, nangangailangan, at gumagamit ng sasakyan. Parang biglang gusto kong sampalin ang pamahalaan gamit ang tunaw na ice cream ni Kuya para sabihin nakamamatay ang trapik. Nakamamatay ng kasiyahan ng isang batang umaasa sa ice cream na uwi ng tatay niya. Nakamamatay ng kasabikan ng isang ama na nangutang pa ng ice cream para pasayahin ang anak. Unti-unti ring nakamamatay ng relasyon sa pamilya ang trapik dahil imbes na ilalaan ang oras para sa pamilya, nandun ka sa gitna ng kalsadang ninamnam ang bawat busina at preno ng bus na sinasakyan mo. Ang kamatayang ito ay higit pa sa pisikal na kamatayan kasi buhay ka nga pero unti-unti naagnas ang relasyon mo sa mga mahal mo sa buhay.

“Gawin mo na lang ice cream shake yan Kuya! Lagay mo sa baso, tas dagdagan mo ng Stick-O sa gilid o tinapay para makain pa rin ng mga bata!” Sagot ko na lang sabay pilit na ngumiti para di naman masyadong halata na naaawa na talaga ako sa kanya. Kung sumweldo lang ako ngayon baka binigyan ko na sya ng pambili ng panibagong ice cream, kaso bukas pa ako sasahod.

“Pwede, mahilig naman sila sa ganun,” sabi ni Kuya habang sinisilip-silip ang bababaan.

Isang kanto na lang bago mag-Estrella at sa wakas, naisip na ni Kuyang maglakad. Buti naman, yan ang naisip ko. Pumara na si Kuya, ang bus naman, tumigil na lang din sa gitna ng kalsada at nagbukas ng pintuan. Tumayo si Kuya, iika-ika. Pilay siya. Sapul nanaman ang konsensya ko dahil kanina ko pa siya gustong palakarin. Nagpaalam lang siya nang bumaba at nakita kong pipilay-pilay niyang binabagtas ang daan papuntang Estrella.

Sa pagtuloy-tuloy ng byahe ko, napapa-isip ako kay Kuyang may ice cream. Nakalagpas na ng Guadalupe ang bus at lagpas alas-siete na rin kaya lalo akong nagdadamdam sa trapik. Iyong byaheng halos limang minuto lang mula Buendia hanggang Estrella ay kumain ng halos isang oras dahil lang sa salu-salungat na kilos ng mga sasakyan na nagkumpulan sa may Guadalupe. Halos isang oras na tumunaw sa ice cream at higit pa – tumunaw din ito ng kasiyahan ng mag-ama, ng isang buong pamilya.

Pagdating sa may bandang Boni medyo bumilis na ang takbo ng bus, dire-diretso. Muli nanamang gumapang nang makarating sa Shaw Boulevard, SM Megamall, Ortigas, Edsa Shrine. Sa bawat kantong may malalaking kalsada at establisiyemento, nagsisiksikan ang mga sasakyang ayaw magbigayan. Pula ang ilaw trapiko pero dumidiretso pa rin, o di kaya naman ang mga tumatawid na pedestriyan ay nakikipagpatintero rin sa sasakyan para lang makatawid agad.

Sa pagdiretso ng bus papuntang Cubao, ramdam na ramdam ko na ang aking pagkahapo. Pagod na ang katawan ko sa trabaho at byahe, pagod pa ang puso ko sa pakiki-simpatya sa bawat taong naiipit sa trapik. Paano pag naiihi o natatae yung tao? Paano pag masama ang pakiramdam? Paano pag inaatake na pala sa puso? Paano kapag may mahalagang okasyon na dadaluhan? Pano pag may plano pang magpayaman, tulad ko?

Ganun din ang nangyari sa Cubao, trapik pa rin. Pumipikit na lang ako. Kanina pa ako nalipasan ng gutom, parang wala na akong ganang kumain. Pinipilit kong gawing blangko ang isip ko para makapagrelaks ako kahit papaano pero sumasagi pa rin sa isip ko ang realidad na wala yatang solusyon sa trapik. Madaling mabulag ng pera at kapangyarihan ang mga tagapag-patupad ng batas-trapiko, walang drayber na nagpapatalo, walang disiplina ang tao, lahat na lang pasaway. Paano nga ba aayos ang trapik kung tayong tao mismo, hindi umaayos? Isang masakit sa ulong problema ito na parang maaayos lamang kapag bawat isa ay maki-isa at tumigil sa kakauna sa pansariling kapakanan. Iyong tipong susunod na lang ako sa batas-trapiko kahit ma-late ako ng kaunti, hindi yung nagmamadali ako, tumabi ka dyan at walang red light sa akin, kamag-anak ko ang Presidente ng Pilipinas!

Alas-nuwebe kinse na nang makababa ako sa Quezon Avenue. Nahuli ako ng dalawang oras sa inaasahan kong alas-sieteng dating sa bahay para magawa ko pa ang mga plano kong pagpapayaman. Lagi na lang ganito araw-araw. Andami kong plano para naman magkaroon na ako ng bahay sa Forbes Park at makabili ng Jaguar pero dahil sa trapik, hindi ko na siya masimulan. Parang pakiramdam ko hindi senyales ng paglago ng ekonomiya ang trapik – parang ito ang isa sa humaharang sa pag-unlad ng mga tulad kong animo’y aliping sagigilid ng mga korporasyon.

Naisipan kong dumaan na lang sa 7-11, pagod na ako at di na makakapagluto ng hapunan. Pagdating sa bahay, kailangan ko nang matulog agad at gigising pa ako ng alas-dos bukas, papasok na ulit ako, dapat bago mag-alas singko nasa bahay na ako. Bumili na lang ako ng hapunan na tig-bente pesos – isang stick ng ice cream.

其他人也在看

你可能有興趣

影音推薦

#廣編企劃|【2023 天下城市高峰論壇 #9】新竹市交通處長 倪茂榮:改善交通,必須先做出優良示範道路|天下雜誌✕未來城市

已成功複製連結